Feedback

Share

20 April 2012

solved!

Natapos ang araw, eto nanaman ako. Nakatitig sa mga ulap, naka tungo sa edsa at sa mga bubong ng mga bahay na tanaw mula sa labing anim na palapag ng aming condo. Gusto kong umawit, ngunit ni daplis ng kahit anong awit ay tila bang ayaw lumabas sa aking mga labi. Isang bulong ang aking narinig mula sa kaibuturan ng aking puso... ibigay mo ang higit pa sa isang awit... at dahan dahan kong itinaas ang aking dalawang kamay at saka ko sinabi,"eto ang awit na maibibigay ko: ang aking buhay; ang aking puso. maraming salamat." solved!

commercial break